Abante Tonite Interactive

Westbrook nag-‘TD’, OKC wagi

By
2,094

Sumakay ang Oklahoma City Thunder sa 20th triple-double ng 72nd season ni Russell Westbrook para paluhurin ang Sacramento Kings 106-101 Lunes ng gabi sa 2017-18 NBA elims game.

Naglista si Westbrook ng 17 points, 10 rebounds at 10 assists, may tig-21 points pa sina Paul George at Carmelo Anthony sa Thunder, umangat sa fourth place ng Wester­n Conference standings.

Nalagasan lang ng big man ang Oklahoma City nang lumabas sa third quarter at hindi na bumalik si Steven Adams na nagkaroon ng left hip contusion. Sabado kontra San Antonio, ang paa naman ni Adams ang napilayan sa third din at hindi nakabalik.

Pinangunahan ng 19 points ni Bogdan Bogdanovic ang Kings, may tig-15 sina Garrett Temple at Justin Jackson.
Nakalamang pa ang Sacramento, 79-78, sa dulo ng third sa tip-in ni Temple.

Abante ang Thunder 88-85 sa fourth nang bumalik si Westbrook, pinakawalan agad ang 10th assist kay Jerami Grant at ibinaba ang 10th rebound higit 3 mi­nutes pa sa laro. Sa lob ni Westbrook kay Grant pa rin na nagresulta sa dunk at umagwat ang Oklahoma City, 102-92, 3 minutes pa.

Huling dumikit ang Kings, 104-101, sa free throws ni Bogdanovic 23 seconds na lang, pero nabaon din ng dalawang charities si Corey Brewer para selyuhan ang panalo. (VE)