Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Westbrook umawra na nakapalda

0 43

Keber sa mga reaksyon ng netizens si National Basketball Association All-Star guard Russell Westbrook ng Los Angeles Lakers na umawra suot ang isang palda.

Ibinahagi ni Westbrook sa social media Sabado ang kanyang mga larawan suot ang isang white skirt at may caption pang “‘Don’t address me unless it four letters’ @kendricklamar.”

Noong Hulyo lang na-trade ang 2017 NBA MVP sa Lakers mula sa Washington Wizards.

SM food to go Banner Ad

Bahagi sa trade deal na ipapadala ng Wizards si Westbrook at kanilang 2024 second-round pick+2028 second-round pick sa kampo ng Lakers kapalit nina Kyle Kuzma, Montrezl Harrell, Kentavious Caldwell-Pope at 2021 NBA Draft no. 22 pick.

Nitong 2020-21 season, pumoste ang 32-year-old, 6-foot-3 ng average na 22.2 points, 11.7 assists, at 11.5 rebounds per game kasama ang Wizards.

Naisampa ni Westbrook ang Wizards nitong nakalipas na Eastern Conference playoff, pero tumiklop sa Philadelphia 76ers. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.