Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Westbrook, Wizards alpas sa Jazz

0 188

Normal na kay Russell Westbrook ang triple-double, nilista ang 23rd ngayong 75th season nang hiyain ng Washington Wizards ang league-leading Utah Jazz 125-121 sa 2020-21 NBA regular game Lunes ng gabi sa Salt Lake City.

Natagpas ang 24-game home win streak ng Jazz sa Vivint Smart Home Arena.

Tumapos si Westbrook ng 25 points, 14 rebounds at 14 assists pang-ayuda sa 34 pts. ni Bradley Beal. Pinantayan ni Daniel Gafford ang season-high niyang 15 pts.

Wala pa rin si sixth man Jordan Clarkson (ankle), hindi naisalba ng 42 pts. ni Donovan Mitchell at seson-best 33 ni Bojan Bogdanovic ang Jazz (40-14).

Sa 20-33, dalawang laro lang ang hinahabol ng Washington para makasiguro ng play-in spot (8th-10th) sa East.

Umabante ng 19 sa fourth ang Washington pero nag-rally ang Utah.

Huling nanindak ang Jazz 121-119 sa drive ni Mitchell 12.3 seconds na lang, pero pinagitnaan ng tigalawang free throws nina Beal at Westbrook ang sablay na 3 ni Bogdanovic para selyuhan ang panalo. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.