Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Westbrook, Wizards dinikdik ang Pistons

0 235

Lumabas ang partner na si Bradley Beal sa third quarter, humarabas ng triple-double si Russell Westbrook para bitbitin ang Washington sa 106-92 win laban sa Detroit sa 2020-21 NBA regular season game sa Capital One Arena Sabado ng gabi.

Bago ang laro ay may pinapaborang sore right foot na si Beal, inabot naman ng bruised hip sa kasagsagan ng laro at hindi na tinapos.

Lumabas siyang may 17 points sa loob ng 21 minutes.

Bumagsak si Beal sa second quarter matapos mag-drive at sumalpok kay Pistons forward Saddiq Bey.

Muntik mapakawalan ng Wizards ang 30-point lead pag-alis ni Beal, pero nagsalansan si Westbrook ng 19 points, 19 rebounds at 10 assists para sa kanyang NBA-leading 15th triple-double ng 75th season.

Nagdagdag si Rui Hachimura ng 14 points, tumapos si Daniel Gafford ng 13 points sa kanyang debut sa Washington mula Chicago.

“He brought a good energy today,” ani Hachimura sa kapwa niya second-year player na si Gafford.

Namuno ang 15 points ni Wayne Ellington sa Detroit. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.