Abante Tonite
Mabilis sa Balita

WFH empleyado sa PLDT: Niloloko nyo Pinoy

0 280

Nagwawala ang mga taong nakabartolina ulit ngayon sa bahay dahil sa palpak na serbisyo ng PLDT ngayong nasa modified enhanced community quarantine ulit ang Metro Manila at ilang lalawigan.

“PLDT, di namin kailangan ng ticket kasi walang bus ngayon o ride-all-you-can sa Enchanted Kingdom dahil may lockdown,” himutok ni Lex Nat Rosete.

“Ang kailangan namin ay internet connection dahil binabayaran namin kayo kahit wala kayong internet service for 1 week na. Ano yan no work but with pay? Swerte nyo ha. Kaya totoo ang sinasabi ng Presidente. Niloloko nyo ang Pilipino. Pinagagastos nyo pa para sa mobile data para lang makapagtrabaho at makapag-aral dahil sa palpak na serbisyo nyo,” dagdag niya.

Alala naman ang netizen na si Gracey Onilec sa trabaho niya. Sa post nito sa official Facebook page ng PLDT Home kahapon, “During this time of pandemic, it has been a blessing to have a job but due to your slow response to my repair request, I might lose it. I am on no work no pay setting and it has been a week.”

Tumawag na siya sa hotline ng PLDT, nagreport na rin siya sa twitter, FB, at email dahil sa problema ng kanilang internet ngunit wala pa ring nangyayari. July 31, 2020 pa siya walang internet at naghihintay pa rin siya sa sagot ng PLDT kahapon.

Mas malaki naman ang problema ni Edward Z Ong dahil sa nakaambang panganib.

Sabi niya sa official FB ng PLDT Home,“ pakiayos naman nyo yon pldt lines sa may kanto ng mamerto st cruzville subdivision. Palagi nawawlan kami ng dial tone. Babagsak na yong cable paki ayosin naman.” (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.