Abante Tonite
Mabilis sa Balita

WFH titser pinatatapyasan ng sahod

0 229

Nakakatipid umano ang mga guro ngayong work from home ang setup kaya iminungkahi ni Cagayan provincial governor Manny Mamba na dapat ding tapyasan ng sweldo ang mga ito.

Ayon kay Mamba, sa halip na magreklamo, dapat ay mas sipagan pa umano ng mga guro ang pagtatrabaho para hindi malugi ang gobyerno.

“Well sa tingin ko nag-eenjoy sila, nagsusweldo sila, wala silang ginagawa,” saad ni Mamba sa isang panayam. “Kaya nga dapat, huwag na silang magreklamo dahil sa totoo lang po, I think mayroon tayong law na kapag ganito na work from home, tatanggalan ng kaunti. Dahil sa totoo lang, ang dami po nating nase-save sa work from home.”

“Parang lugi po ang gobyerno eh, na nagsusweldo nang tama, lahat ng perks nandoon and yet hindi nare-reciprocate sa trabaho. I think there is something na dapat pag-aralan din po,” aniya pa. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.