Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Whale shark watching sa Cebu muling binuksan

0 254

Muling binuksan ang sikat na whale shark watching na makikita sa bayan ng Oslob sa Cebu.

Layunin nito na muling makaangat ang ekonomiya sa bayan ng Oslob kung saan pinayagang makabalik ang mga dayuhan at turista para makita ang minsan lamang sa isang taon na maglabas ng mga pating sa dagat.

Nabatid na malaki ang ibinaba ng turismo sa Oslob dahil sa tumamang pandemya ng coronavirus disease 2019.

Ayon kay Governor Gwendolyn Garcia, pinayagan na nilang muling buksan ang turismo sa Oslob dahil nawalan ng halos P100 million sa revenues ang Cebu.

Bukod sa whale shark watching, kabilang pa sa tourism activities sa Cebu ay snorkeling, trekking, diving, at island-hopping. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.