Abante Tonite Interactive

What’s In! Mga dapat suotin ngayong December

By
0 94

Dahil nag-uumpisa nang lumamig ang simoy ng ha­ngin lalo na sa gabi, patok na naman ngayon ang mga sumusunod:

Jacket o coat
Bilang suporta sa ginaw, kailangang naka-ready lagi ang jacket. Bukod sa patok itong gamitin sa pamamasyal o malling ay useful din ito sa pangangaroling.

Jeans, slacks o leggings

Komportable nang suotin at ‘di magiging limitado ang galaw, akma rin ito sa winter wea­ther para iwas lamig at kapaki-pakinabang lalo na sa mga magsisimbang gabi.

Boots, rubber shoes

Effective ito sa mga malalamig na lugar sa atin gaya ng Baguio at Tagaytay ganundin sa mga mag-a-out of the country lalo na sa nag-aambisyon ng ‘White Christmas.’

Sumbrero o hat

Para kumpletos rekados ang aura ay samahan na rin ng sombrero ang get up para feeling fashionista ngayong Christmas season.

Ang wastong pananamit sa panahon ng taglamig ay makakaiwas sa ‘hypothermia’ na maaaring ikamatay dulot ng sobrang lamig.