Abante Tonite Interactive

White House Pinay chef pinarangalan ng UP

0 273

Binigyan ng honorary degree ng University of the Philippines ang pinakaunang babae, Filipino, Asian at minority na naging executive chef sa White House.

Nag-aral si Cristeta Comerford ng BS Food Technology sa UP Diliman bago nag-migrate patungong Amerika ang pamilya niya.

Sa ngayon, tinanggap niya ang Doctor of Humane Letters Honoris Causa na binigay nina UP Board of Regents chair Prospero De Vera, UP President Danilo Concepcion, at iba pang UP official.