Abante Tonite
Mabilis sa Balita

White Lady sa Kotse

0 48

Mga ka-#Misteryo nakatiyempo na ba kayo na makakita ng white lady sa loob ng kotse? Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Hatinggabi na nang nakauwi sa tinutuluyang condo sa Mandaluyong si Rene nang pag-park niya ng kanyang SUV ay nasindak siya sa nakitang white lady sa kabilang kotse.

Misteryo: “Paano mo nakita yung white lady? Ano hitsura? Nakatitig ba sayo?”

Rene: “Pag-park ko ng sasakyan, Inayos ko muna mga gamit ko nang pagtingin ko sa katapat na kotse, may nakita akong maputi. Tinignan kong mabuti pero kakaiba na pakiramdam ko. Alam mo yun may kilabot na pakiramdam.”

Misteryo: “Nilapitan mo ba? Sabi mo white lady yun. Baka naman damit lang na nakasampay sa upuan.”

Rene: “Naisip ko nga yun kaya lumapit ako. Habang papalapit ako lumilinaw ang nakikita ko may nakaupo nga hindi lang damit na nakasampay o anuman. Andun may babae nakaputi hindi ko makita mukha niya parang blurred hindi makilala. Nangilabot na nga ako. Kabado. Lumayo na ako nang lumingon ako sa kotse andun pa din yung white lady. Nagmamadali na ako umalis. Nagpunta na ako sa elevator.”

Misteryo: “Hindi ba sumunod sayo? May mga multo na sumusunod pag alam nila nakita sila ng taong clairvoyant tulad mo.”

Rene: “Hindi ko naman naramdaman na sumunod siya pero sinasabi ko sa sarili ko sana hindi siya sumunod. Inaamin ko natakot ako.”

Ilang beses na ba akong nakakita ng multo sa mga sasakyan mga ka-#misteryo pero ang payo ko pag makakita man kayo kung hindi naman kayo handa na makaharap sila, huwag ng lapitan. Tama na yung nakita mo. Baka sumunod pa sayo sa loob ng bahay niyo. Pero ganunman mag-alay na rin ng dasal para manahimik sa kabilang buhay ang multo ng namatay.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.#

Leave A Reply

Your email address will not be published.