Abante Tonite
Mabilis sa Balita

White pasaklolo kay Trump: Iran fighter isalba sa bitay

0 89

NANANAWAGAN si UFC boss Dana White kay US President Donald Trump na umpela sa Iran government na huwag nang patawan ng parusang kamatayan ang local wrestler na si Navid Afkari.

Ang nasabing 27-anyos na fighter ay nahatulan ng dalawang death sentence matapos ang pagpatay sa isang security guard sa Shiraz habang kasagsagan ng 2018 protest sa bansang Iran.

Bunga nito’y hinihirit ng UFC boss na isalba sa kamatayan si Navid dahil bukod sa tao lang ito’y kabilang din siya sa mundo ng wrestling.

“So, it was brought to my attention and, for one this guy [Afkari] first of all is a human being, and two, he’s one of us. He could be any of my fighters,” sabi ni White.

At dahil malakas si Dana kay Trump, agad namang nanawagan ang US president sa pamahalaan ng Iran na i-spare ang nasabing fighter.

“To the leaders of Iran, I would greatly appreciate if you would spare this young man’s life and not execute him. Thank you! @UFC @DanaWhite @FoxNews,” tweet naman ni rump. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.