Abante Tonite
Mabilis sa Balita

White sand sa Manila bay nakakakanser

0 91

Bukod sa lumabag umano sa itinatakda ng batas ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) nang isagawa ang paglalagay ng “white sand” sa may 500 metro ng Baywalk sa Roxas Boulevard sa Maynila ay mapanganib pa ito sa kalusugan.

Ayon kay Infrawatch PH convenor Terry Ridon, masama sa kalusugan ng mga tao ang puting buhanging nilagay ng DENR sa Manila Bay. Aniya pa, nung huling nabalita ang white sand ay kinasuhan ang president ng plunder.

Ayon pa kay Ridon base sa isinagawang iba’t ibang pag-aaral, abilang aniya sa epekto ng dolomite sand ay ang pagkasira ng baga, iritasyon sa balat o skin corrosion, pagka-damage ng mata at pagkakaroon ng cancer.

Dinagdag pa nitong hindi nakatutulong ang binuhos na sand ng DENR sa Manila Bay at lalo lang ito makasisira ng karagatan.

Sabi ng Pamalakaya, kung seryoso ang DENR sa rehabilitation ng Manila Bay, hindi dapat mababaw na pagpapaganda ang tinututukan nito. Tignan dapat ang dahilan kung bakit namamatay ang karagatan at huwag magpakitang tao na tatakpan ang kamatayan ng dagat na pinanginigdaan para lang maging maaliwalas sa mata pansamantala. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.