Abante Tonite
Mabilis sa Balita

WHO, DOH: Ivermectin wa epek sa coronavirus

0 201

Nanindigan ang World Health Organization (WHO) na hindi gamot sa COVID-19 ang Ivermectin sa kabila ng pahayag ng ilang sumubok nito na gumaling sila sa virus infection.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni WHO Country Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe na mismong ang European Medical Mission, US Food and Drug Administration at mga manufacturer ng Ivermectin ang nagsabing walang pruwebang nakagagamot ito ng COVID-19.

Talamak aniya ngayon sa buong mundo ang misinformation hinggil sa Ivermectin at nagbibigay kalituhan ito sa publiko.
Mas mahirap aniyang labanan ngayon ang ‘infodemic’ kaysa pandemya dahil pinaniniwala ang mga tao na nakapagpapagaling ng sakit sa COVID-19 ang Ivermectin na hindi pa dumaan sa clinical trial at solidarity trial.

“The fight against the infodemic has been even more difficult than to fight against the pandemic. There have been situations where this kind of misinformation has been driving and infecting on the capacity of national government to respond to the pandemic because they are seriously distracting technical people form doing what they need to do,” ani Dr. Abeyasinghe.

Kailangan pa aniya ang masusing pag-aaral sa Ivermectin at hayaan ang mga scientist na gawin ang pagsaliksik sa halip na lituhin ang mga tao at paniwalaing nagagamot nito ang mga nagkakasakit ng COVID-19.

“That is why WHO came out with a very clear position that the potential use of the Ivermectin as a prophylactic or as a therapeutic agent needs to evaluated through an equally strong clinical trials, not just the solidarity trials. So let’s refrain from this and let the scientists do what they have to do,” dagdag ni Dr. Abeyashinge.

Leave A Reply

Your email address will not be published.