Abante Tonite Interactive

WHO: May nagsu-suicide kada 40 segundo

0 181

Isang tao ang nagpapakamatay kada 40 segundo batay sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO) at isa ang Pilipinas sa may pinakamataas na kaso ng depresyon sa Southeast Asia na nakakaapekto sa halos tatlong milyong Pilipino.

Ito ang sinabi kahapon ni Senadora Pia Cayetano kasabay ng panawagan na palakasin ang pagpapatupad ng Mental Health Act sa bansa para makapagligtas ng buhay sa sinumang magtatangkang gawin ito.

“If we could save one life just by listening, then by all means, we should be all ears,” sabi ni Cayetano.

Ginawa ng senador ang mensahe para sa sambayanang Pilipino kaugnay ng World Suicide Prevention Day nitong Martes.

Layunin ng taunang event na ito na matugunan ang mataas na suicide rate sa buong mundo sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta at tulong sa mga mental health patient.

Ayon pa sa WHO, ang suicide ay pangalawang nangu­ngunang dahilan ng kamata­yan ng kabataan na may edad 15 hanggang 29.

Sabi ni Cayetano, sa mga nagdaang mga panahon, hindi umano kasama sa health insurance system ng Pilipinas ang mental health condition tulad ng depresyon.

Pero ngayon ay mayroon na aniyang batas hinggil sa mental health.

Nakasaad sa Republic Act No. 11036 o Mental Health Act of 2019 na dapat magtatag ang gobyerno ng ‘holistic approach’ sa mental healthcare sa bansa sa pamamagitan ng pagsama ng komprehensibong mental health service sa national health system ng bansa.

(Dindo Ma­tining)