Abante Tonite
Mabilis sa Balita

WHO solidarity trial aarangkada na

0 289

Malaki ang posibilidad na matuloy na sa katapusan ng buwan (Oktubre) ang World Health Organization (WHO) solidarity trials kaugnay sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccines.

Umaasa ang DOH na matatapos na ang kinakailangan na dokumento para sa solidarity trial at maitutuloy na ang trial.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nauna nang sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na noong Setyembre pa sana ito gagawin pero naantala.

Nabatid na nakikipag-usap na rin ang DOH sa iba’t ibang manufacturer ng iba’ibang vaccine na posibleng isama sa solidarity trial.

Ilan sa kumpanya na ang nasa Phase 2 at Phase 3 ng kanilang trial.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.