Abante Tonite
Mabilis sa Balita

WHO umapela: Lebanon kailangan ng $76M

0 170

Humiling ang World Health Organization para mabigyan ng $76 milyong ayuda ang Lebanon, makaraang maganap ang pagsabog sa isang port sa Beirut.

“In particular, we are concerned about the return of COVID-19 in Lebanon. We have launched an appeal for $76 million and ask the international community to support the Lebanese people and show solidarity with them in every way possible,” ayon kay WHO regional program director Rana Hajjeh.

Bukod pa sa banta ng COVID-19, inaaala rin umano ng WHO ang sikolohikal na epekto ng insidente para sa mga nasugatan, nawalan ng tahanan at mga mahal sa buhay dahil sa pagsabog.

Dahil umano sa insidente, tatlong ospital ang natigil na ang operasyon, habang tatlo na lang ang hindi pa tuluyang nagbubukas.

Nagpadala na ang WHO sa Lebanon ng 11 emergency medical team mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo, medical at surgical supply.

Nasawi sa insidente ang 170, kabilang ang dalawang Pilipino.

Leave A Reply

Your email address will not be published.