Abante Tonite Interactive

Why Nut, Peanut?!

215

Kukutin sa biyahe kung adobohin at pa­laman naman kung gilingin hanggang maging creamy… ‘Yan ang peanuts o mani.

Healthy food nga na maituturing dahil sa taglay nitong protina. Maraming pag-aaral na rin ang nakapagpatotoo sa bagay na ito.

Gayunpaman, may mga maipagmamalaki pang healthy bene­fits ang mani bukod pa sa mga alam na natin. Ilan dito ang mga sumusunod:

* Biotin – Nabatid sa pag-aaral, nagta­taglay ang mani ng biotin na nakatutulong di umano sa paggamot ng multiple sclerosis at diabetes. Dagdag pa rito, sinasabi ring mai­nam ang bitaminang ito sa mga nagdadalantao dahil pinaliliit nito ang posibilidad ng pagkakaroon ng birth defects ng sanggol sa sinapupunan nila.

* Magnesium – Ang mineral na ito ay mainam sa pagpapanatili ng kalusugan ng puso at buto.

* Resveratrol – Malakas na uri ito ng antioxidant na malaki ang naitutulong sa kalusu­gan ng puso maging sa prevention ng kan­ser. Ang resveratrol ay karaniwang nakukuha sa red wine.

* Manganese – Mataas na lebel ng manganese ang makukuha sa mani. Ang mineral na ito ay tumutulong sa ating katawan na lumusaw ng carbohydrates at taba. Nagsisilbi itong co-enzyme na nagpapaibayo sa metabolism kaya naman ideal snack ito para sa mga nagbabawas ng timbang.

Kung maghanap man ng kukutin sa susunod na biyahe o abutan ng oras ng meryenda, reach for those nuts. Sa taglay nitong sustansya eh, why nut, peanut?!