Abante Tonite Interactive

Widodo excited na sa Davao durian

136

Nagpasalamat si Indonesian President Joko Widodo sa mainit na pagtanggap sa kanya at sa kanyang delegasyon sa bansa.

Si Widodo ay nasa state visit sa bansa at ASEAN Summit na nasa ilalim ng pamamahala ng gobyerno ng Pilipinas.

“President Duterte, my delegation and I are extremely happy to be here. Thank you from the bottom of our heart for the warm and graceful welcome you and your government have extended to us,” paghahayag ni Pres. Widodo sa ibinigay na state banquet dito sa Rizal Room sa Malacañang Palace nitong Biyernes ng gabi.

Sinabi rin ni Widodo sa maiksing talumpati na ang mga Pinoy at Indonesia ay matagal nang magkakaibigan sa katunayan, aniya, ay nagbabahaginan ang dalawang bansa ng pagmamahal sa mayamang prutas at sa drama sa telebisyon.

Ipinahayag din ni Widodo na excited na ito sa nakatakdang pagbisita sa Davao matapos ang ASEAN Summit sa Maynila para matikman ang mayayamang prutas sa lungsod.

“I am excited that we will be visiting Davao tomorrow or the day after. I was told that Davao is very famous for its delicious fruit like Davao durian. Sobrang masarap,” bahagi pa ng talumpati ni Pres. Widodo.

Bukod sa masasarap na prutas excited din daw ang Indonesian president sa paglulunsad ng bagong RORO (Roll-on, Roll-off) na patungong Davao, General Santos at Bitung sa North Sulawesi sa Indonesia.

“I am hopeful that this new connectivity between the Philippines and Indonesia will foster new opportunities and new businesses,” ayon pa sa Indonesian president.