Abante Tonite Interactive

Wiggins nilapa ang Wizards

0 126

Binuno ni star center Karl-Anthony Towns ang una sa kanyang two-game suspension, rumesponde ang mga kakampi niya at nilapa ng Minnesota Timberwolves ang Washing­ton Wizards 131-109 Sabado ng gabi sa 74th NBA 2019-20.

Umiskor ng 21 si Andrew Wiggins, may tig-20 sina Robert Covington at Jarrett Culver para punan ang pagkawala ni Towns, sinuspinde dahil sa pakikipag-away kay Philadelphia big man Joel Embiid nitong Miyerkoles. Isa si Towns sa league-leaders sa points at rebounds sa ­unang apat na laro sa season.

“We knew we were missing KAT,” ani Wiggins. “KAT’s not somebody you can replace, so everyone had to step up, and that’s what everyone did.”
Anim na Wolves ang umiskor ng double digits.

Nanguna ang 30 points ni Bradley Beal sa Washing­ton.

Mula tipoff ay nasa trangko ang Minnesota, abante ng 10 makalipas ang 3 ½ minutes sa second­ quarter. Sa 3 ni Wiggins sa buzzer ay bumuka ang abante sa 106-72 papasok ng fourth.

Nag-start sa puwesto ni Towns si Gorgui Deng at nag-deliver ng 18 points. May 15 points at 13 assists si Jeff Teague, 14 markers kay Jake Layman.