Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wilbert pina-Tulfo si Zeinab

0 2,700

Suportado ni Raffy Tulfo ang pamosong businessman and former Mr. Gay World titlist na si Wilbert Tolentino. Meron silang collab na labas na sa YouTube.

Sinumbong niya kay Raffy ang sikat na vlogger na si Zeinab Harake. Nirereklamo niya na diumano’y ini-scam siya sa ginawa nilang collab para sa Itlog challenge.Diumano ay nangungutang din ang staff ni Zeinab ng P50,000.

Resbak naman ni Zeinab ay wala siyang alam sa hinihiram ng kanyang staff. Sana raw ay kinausap na lang siya dahil keri naman niyang magbayad ng 50 thou.

Pero sa ending si Wilbert ang na-prank nila kaya nagulat ito.

“Una sa lahat, isang karangalan ang ma-prank ako ng dalawang hinahangaan ko sa YouTube na si Zeinab Harake at syempre kay idol Raffy Tulfo na aking tinitingala pag dating sa public service. Maraming salamat idol Raffy, at pinaunlakan ninyo ang aking imbitasyon na para sana kay Mamshie Zeinab.

At kay Zeinab, isa ka talagang prankster! Masaya ako at finally nakatambal ko kayo.

Balang araw, makakabawi ako sa inyong kabutihan,” post ni Wilbert sa kanyang Facebook account.

Anyway, potensyal na makahabol ang Wilbert Tolentino VLOGS sa dami ng subscribers nina Raffy Tulfo, Ivana Alawi,Alex Gonzaga.

Wala pang dalawang buwan pero 303,000 subscribers na ang Wilbert Tolentino VLOGS sa Youtube. Achievement sa kanya ito bilang baguhan sa nasabing entertainment streaming app.

Tiyak na dadami pa yan dahil sa collab niya kina Raffy at Zeinab .

Samanatala,namahagi rin si Wilbert nu’ng December 24 sa kanyang mga kafreshness subscriber sa YouTube for Noche Bola Raffle Bonanza.

Ang mga premyo ay 1 unit YAMAHA NMAX 155cc.,one Winner for 100,000 php CASH, two Winner for 50,000 php CASH,3 units IPHONE 12 PROMAX 512GB,2 units IPHONE 12 PROMAX 256GB, 500 Subscribers for 500 GCASH, 500 Subscribers for 400 GCASH, 500 Subscribers for 300 GCASH at 500 Subscribers for 200 GCASH.

Generous talaga si Sir Wil at maraming napasaya nu’ng kapaskuhan.

Si Wilbert ay kilalang co-owner ng tatlong entertainment bar ( Apollo, Club 690, Farenheit).

May malaki rin siyang pasabog na event ‘pag bumalik sa normal ang lahat at may vaccine na.

Mago-organize siya ng THE PHILIPPINES INFLUENCER AWARDS 2021.

Bongga!

Leave A Reply

Your email address will not be published.