Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wilbert ‘Quarantine Online Philantropist sa SirWil Media Challenge

0 250

NI: ROLDAN CASTRO

Matagumpay na nairaos ang SirWil Media Challenge ni Sir. Wilbert Tolentino. Pinagkatiwalaan niya kaming maging media coordinator at isa sa naging board of directors ng makabuluhan, masaya at ayuda project ngayong pandemya.

Patalbugan sa pagsusulat, konsepto sa kanilang blog, vlog at maging sa print. Ang criteria nito ay dapat relevant, informative at enjoyable.

Bahagi rin to ng Sir Wil Online Challenge na may adbokasya na “Stay Home. Save Lives. We Will Beat COVID 19!”
Dahil dito, tinagurian siya ni Rey Pumaloy na “ Quarantine Online Philantropist.”

Ayon naman kay Rona Ronda (Rona Avecilla) naka-welding na sa ulo ni Sir Wil ang titulong ‘Pandemic Super Gay’.
Dagdag pa niya, “Una sa lahat, thank you po kay Sir Wilbert Tolentino na nagbigay ng daan sa oportunidad na ito. Hindi maitatanggi ang kabutihan ng puso at malasakit sa mga taong nasa iba’t ibang larangan. Tunay na dinugtungan mo ang aming saklay at naging gasolina para patuloy na lumaban sa nararanasang pandemya.”

Sey rin ni Blessie Cirera, Entertainment Editor ng isang tabloid” Gamutin ba naman ang kakulangan sa pinansyal ng kanyang kapwa, kasama sa kami sa entertainment media, aba, mistulang vaccine na ‘yun sa aming mga nasisimot nang bulsa. Sobrang pasasalamat po, Sir Wil!”
Narito ang mga nagsipagwagi.

Grand Winner, Joey Sarmiento P100,000, 1st Runner-Up

Jerry Olea- P50,000 , 2nd Runner-Up Rona V. Avecilla (Rona Ronda)- P30,000, 3rd Runner-Up Gracee Bongolan-P20,000, 4h Runner-Up- Jay Patao -P10,000

P5,000 each: 6. Mildred Amistad Bacud, 7. Rey Pumaloy, 8. Sandy Es Mariano, 9. EJhosh Rodriguez, 10. Fernan De Guzman

Your email address will not be published.