Abante Tonite Interactive

We will wait for you there — PDu30

By
5

Binigyang-diin ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na hindi yuyuko ang gobyerno sa kahit ano pang pagbabanta ng terror group na Maute.

“Dito sa Mindanao, it remains to be a troubled land. Itong Maute… It was carried by a Moro ambassador, former, sabi niya na, ‘maghinto sila basta huminto ang military sa operation’.

Sabi ko, ‘No. You do not put any condition.’ Ako ‘yung gobyerno. Bakit ako maghinto?” pahayag ni Pangulong Duterte.

Hindi aniya masisindak ang gobyerno sa mga pagbabanta ng Maute.

“…and then they threatened to go down from the mountains to burn Marawi. Go ahead, be my guest. We will wait for you there. Walang problema. Bakit sunugin mo ang Marawi?

Those are things that sabi ko, no. I am the government. Do not place conditions on my shoulder. I will not ano…Maybe out of goodwill, I order,” dagdag ni Duterte kasabay ng pagbibigay ng parangal sa TOFIL Awards sa Mala­kan­yang kagabi.