Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Williams ariba sa Tropa

0 45

Dalawang sunod na laro nang pinagliliyab ni TNT rookie Mikey Williams ang scoreboard ng Don Honorio Ventura State U gym sa Bacolor, Pampanga.

Matapos ang career-high 36 points sa 100-85 win kontra NLEX noong Biyernes, kumontak naman ang No. 4 pick ng 27 points para bitbitin ang Tropang Giga sa 88-67 victory kontra Ginebra nitong Linggo.

Nagpakilala sa Gin Kings ang Fil-Am guard sa tono ng 10 of 18 shooting overall sa floor, 4 for 7 sa 3s, 4 rebounds, 2 assists, 1 steal kontra 1 turnover sa loob ng kulang 31 minutes.

Tinalo ng Gins ang Tropa sa anim na laro sa Finals ng PBA Philippine Cup sa Clark bubble noong isang taon.

SM food to go Banner Ad

Nasa unahan pa ang Ginebra 8-2 nang magsalansan ng 10 points si Williams at inagaw ng TNT ang lead 18-14, pinalobo hanggang 82-58.

Sa 8-1 card, nakasiguro na ang Tropang Giga ng puwesto sa quarterfinals.

Kapag nanalo pa sa natitirang dalawang laro sa eliminations kontra Alaska at NorthPort, kokontakin ng TNT ang top 2 ranking at win-once advantage kontra low-seeded team sa last eight. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.