Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Williams AWOL lang – Cui

0 62

Sa social media lang inihayag ni 2008 PBA MVP Kelly Williams ang kanyang retirement noong Lunes habang nasa training bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba ang TNT.

Kaya pati ang teammates at coaches sa KaTropa, bulag sa biglaang desisyon ng 38-year-old, 6-foot- center-forward na isabit na ang jersey.

“Whatever decision he makes, siyempre suportado namin siya. Pero at the same time nakakapanghinayang kasi, para sa akin, p’wede pa siya,” ani coach Bong Ravena. “Maganda ipinapakita niya rito (training camp).”

Hinirit naman ni team manager Gabby Cui na umalis ng September 2 ang player sa ISA training camp nang walang paalam at mula noon hanggang ngayon walang pasabi ang player na kinukunsidera ng opisyal na absent without leave lang.

Top pick overall ng Sta. Lucia Realty noong 2006 si Williams mula Oakland U. Sa ikalawang season, giniyahan niya agad ang Realtors sa Philippine Cup title at nasungkit ang MVP award bago napadpad sa TNT nang mag-disband ang team. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.