Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Williams balik ang angas

0 58

Naglilimlim na sa tuktok ng Philippine Cup standings ang TNT, walang bangas sa anim na laro.

Tinapos ng Tropang Giga ang first week ng PBA re-start sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga sa malinis na 3-0 card, huling tinumba ang Magnolia 83-76 Linggo ng gabi.

Nilabas ni Kelly Williams ang pinakamainam na laro sapul nang bumalik mula retirement, tumipa ng 13 points at 15 rebounds. Perpektong 3 for 3 sa labas ng arc si Kelly, dalawa rito sa fourth nang salagin ang rally ng Hotshots.

Bagama’t nangunguna sa 6-0 ang TNT, ayon kay chief statistician Fidel Mangonon III ay hindi pa nakakasiguro sa quarterfinals ang Tropa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pagkatapos ng 11-game eliminations, twice-to-beat sa quarters ang top 2 teams laban sa Nos. 7 at 8. Best-of-three ang 3 vs. 6 at 4 vs. 5.

Malalaglag ang Nos. 9-12.

“Feels good feeling like myself again,” bulalas ni 2008 MVP Williams post game. “It’s been a while that I’ve been so excited to play.”

Naglista ng 17 points si Jayson Castro kasama ang dalawang tres din sa clutch. Umayuda ng 14 points si rookie Mikey Williams, mainam din ang kontribusyon nina RR Pogoy (12 pts), Troy Rosario (11 pts, 8 rebounds) at Poy Erram (9 pts, 10 boards). (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.