Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Williams buking sa IG

0 285

Iniimbestigahan ng NBA si Lou Williams hinggil sa aktibidad ng Clippers guard nang lumabas ng bubble sa Orlando para malaman kung gaano kahaba ang itatagal nito sa quarantine.

Pinayagan si Williams na umeksit ng Disney World dahil sa ‘personal reasons.’ Sa Instagram, nag-post siya na pupunta sa funeral service ng isang kaanak.

Bigla, sa kanyang Instagram story ay nag-post din si rapper Jack Harlow ng picture nila ni Williams na mukhang nasa club. Dinelete din agad ni Harlow ang post pero marami na ang nakapag-save.

Ngayon ay iniimbestigahan na ng NBA si Williams.

“The NBA is investigating Clippers guard Lou Williams’ activities while on excused absence to assess the length of his re-quarantining process,” basag sa balita ni Shams Charania ng The Athletic at Stadium.

Sa hiwalay na ulat ni Ramona Shelburne ng ESPN, umamin si Williams na pumunta nga sa isang club.

“Sources told ESPN that Williams has been interviewed by NBA security about his whereabouts while he was away from campus, and told them he did go to the Magic City gentleman’s club for a short time on Thursday night,” ulat ni Shelburne. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.