Abante Tonite Interactive

Williams, GenSan sinipa ang Marikina

390

Nagtulos si Mike Williams ng 26 points, 13 rebounds at 6 upang pasanin ang GenSan Warriors sa pagtadyak sa Marikina Shoemasters, 96-89, sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League 2019 Lakan Cup eliminations Martes ng hapon sa Navotas City Sports Center.

Umalalay ng 21 mar-kers si John Raymundo at 13 si Jeramar Cabanag para pumailanlang ang dumayo sa Metro Manila venue na Mindanao squad sa 2-1 win-loss record at pahabain sa tatlo ang pagmumukmok ng Shoe Capital.

Ito’y sa kabila ng mga umalma rin para sa Shoemasters sina Yvez Sazon na may 25 pts., Daryl Pascual na naka-17 at JJ Española na mayroong 13 puntos sa giriang dinomina ng General Santos sa paglayo ng hanggang 17 sa second period.