Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Williams good vibes sa media

0 35

Pambihira si Phoenix coach Monty Williams.

Matapos kubrahin ng Bucks ang 105-98 win sa Game 6 ng NBA Finals kontra Suns noong Martes sa Milwaukee, itinaas ni Giannis Antetokounmpo ang Larry O’Brien Trophy sa harap ng home crowd.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nag-gate crash si Williams sa kasagsagan ng selebrasyon ng Bucks sa kanilang locker room.

Naka-goggles ang players at coaches habang hinihintay ang champagne shower, sumilip si Williams.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I don’t want to take away from the celebration,” bungad ng Suns coach. “I just wanted to come and congratulate you guys, as a man, as a coach.”

Kung naagaw ng Suns ang panalo ay babalik ng Phoenix ang Game 7, winner-take-all na.

“You guys deserved it, and I am thankful for the experience,” dagdag ni Williams. “You guys made me a better coach, made us a better team. Congratulations.”

Sa Twitter, pinuri pati ng media na nag-ko-cover sa NBA ang ginawa ni Williams. Wala pang losing coach sa title game na pumasok sa kabilang locker para batiin ang team na tumalo sa kanya. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.