Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Williams iniwan sa ere ang TNT

0 64

NAGKAROON bigla ng kuwestiyon ang ‘retirement’ ni Kelly Williams sa TNT.

Lumalabas na biglaan pala ang alis ng dating MVP sa KaTropa bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba noong weekend.

Sa social media pa nalaman ng team na nag-retire na pala ang high-flying Fil-Am.

Ikinagulat ng team ang desisyon, nabulag sila.

Dapat, ang executives at coaches ang unang makakaalam kung gusto nang mag-retire ng isang player.

Pick ng Sta. Lucia Realty si Williams noong 2006, naka-isang kampeonato sa Realtors. Nang i-trade sa TNT makalipas ang dalawang taon, naka-lima pa siya sa KaTropa.

Ayon kay team manager Gabby Cui, wala raw paalam si Williams na umalis ng bubble.

Kaya ang estado niya ngayon sa team, AWOL.

Naghihintay pa ang TNT ng kanyang paliwanag.

“We are currently waiting for his notice to explain regarding his actions on going AWOL,” ani Cui. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.