Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Williams maangas sa Tropa

0 81

Top seed ang TNT sa PBA Philippine Cup sa Bacolor, Pampanga.

Malaking bagay si Mikey Williams kaya sinelyuhan ng Tropang Giga ang twice-to-beat bonus sa quarterfinals.

Sa 10-1 record, hihintayin ng team ni coach Chot Reyes ang No. 8 squad na makakatapat sa playoffs.

Sa huling dalawang laro, nag-average si Williams ng 20.5 points, 5.0 rebounds at 6.0 assists per game.

Tumira ang No. 4 pick ng 53 percent (8 for 15) mula sa labas ng arc sa 103-85 blowout sa Alaska sa pagtatapos ng kampanya ng team sa eliminations noong Sabado, at sa 102-92 win sa NorthPort noong Sept. 15.

Kaya lang, bulto rin kung bumitaw ang rising star para makuha ang average. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.