Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Williams sinigaw ayuda kay Booker

0 46

Umaasa si Phoenix Suns coach Monty Williams na mag-iiba ang galaw ng kanyang koponan papasok sa Game 6 ng 75th NBA Finals sa darating na Miyerkoles (Manila time) matapos ang 123-119 pagkatalo nitong Linggo kontra Milwaukee Bucks.

Nakuha ng Milwaukee Bucks ang kalamangan sa serye 3-2 at maari nang tapusin ang salpukan sa next game.

Batid man ng mentor ang husay ni guard Devin Booker, na nagtala ng 40 points, 4 rebounds, 3 assists at 2 steals, ipinunto ni Williams na kailangan ang suporta sa star player at tumodo ang Suns sa finale mula sa 2-0 lead

SM SuperKidsDay Banner Ad

“We’ve got to move it around,” litanya niya. “We know what Book can do with the ball, but the one thing we talked about was getting to the paint, finding guys on the back side. We feel like that’s a formula. There were some times tonight where it just stuck a little bit.”

Pasiklab Game 5 sina Giannis Antetokounmpo na nagtala ng 32 pts., Khris Middleton na may 29 markers at Jrue Holiday na umiskor ng 27. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.