Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Williams, TNT alpas sa RoS

0 170

Mga laro sa Jan. 5 (Smart Araneta Coliseum)

3 pm – Magnolia vs Bossing

6 pm – Alaska vs Meralco

Kumapit sa dulo ang TNT para ipreserba ang 95-92 panalo laban sa Rain or Shine sa second game ng PBA Governors Cup elims sa Smart Araneta Coliseum Linggo ng gabi.

Bumanda lang sa rim ang pang-agaw lead sanang 3 ni Henry Walker bago pinalitadahan ng dalawang free throws ni Poy Erram sa final 2 seconds ang panalo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dumistansiya 24-9 sa first quarter ang Elasto Painters bago isinara ng Tropang Giga ang period sa 12-3 run na nagpasimula ng balik hanggang lumayo rin.

Tumapos si Mikey Williams ng 25 points, 6 assists para itulak ang TNT sa 2-2 card. Sumegunda si RR Pogoy ng 18 points, may 15 markers at 9 rebounds si Erram.

Nag-debut sa tono ng 13 points, 10 rebounds at 2 blocks si balik-import Aaron Fuller na humalili kay injured McKenzie Moore.

Natengga sa 2-3 ang Rain or Shine na pinamunuan ng 32 points, 9 rebounds ni Walker.

Nilista naman ni Terrence Romeo sa opening stanza ang 11 sa kanyang 23 points at itinumba ng San Miguel Beer (3-2) ang Terrafirma (1-4) 100-88 sa first game ng ikalawang araw Christmas offering ‘Season of Joy’ na handog ni QC mayor Joy Belmonte sa kanyang constituents. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.