Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Williams, Tropang Giga tinambakan Hotshots

0 121

Finals Game 2 bukas: (DHVSU, Bacolor)

6 pm – TNT vs Magnolia

(Tropang Giga lead series 1-0)

Bugbog ang inabot ng Magnolia Pambansang Manok sa Game 1 ng PBA Philippine Cup Finals sa Don Honorio Ventura State University gym nitong Miyerkoles ng gabi.

Bumubuga agad ang TNT Tropang Giga hanggang itakbo ang 88-70 wire-to-wire win na giniyahan ng 21 points ni Mikey Williams na 5 for 6 sa 3s, may sahog pang 10 rebounds, 5 assists at 2 steals.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sina Poy Erram (14 pts) at Kelly Williams (10) na lang ang naka-double digits sa TNT, pero sapat na para ipreserba ang coast-to-coast victory.

Game 2 ng best-of-seven bukas ng alas-6:00 nang gabi uli sa Bacolor, Pampanga venue rin.

Sa first 22 points ng laro, 2 lang ang iskor ng Hotshots – ang jumper ni Mark Barroca sa 9:41 mark. Nagawang isara ng Magnolia ang first quarter sa 12-2 run pero iwan pa rin 24-14, hindi na nakarekober.

Nang bumuka hanggang 73-41 ang lead ng TNT sa third, final score na lang ang hinihintay.

Diyeta sa 20 of 73 shooting ang Hotshots, 4 for 20 lang sa labas ng arc napuwersa sa league conference-high 29 turnovers – 7 kay Jio Jalalon. Sa kabila, 35 of 82 sa field at 11 for 31 sa downtown ang Tropang Giga.

Pumalag sa Magnolia ang tig-12 points nina Jackson Corpuz at Paul Lee off the bench. Combined 4 of 11 sa floor sina Calvin Abueva (11 pts) at Ian Sangalang (5 pts). (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.