Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Williams, TNT rumatsada uli

0 94

Finals Game 3 sa Linggo (DHVSU, Bacolor)

4:35 pm – Magnolia vs TNT

Sumisingasing na inumpisahan ng TNT ang laro bago sinalag ang rally ng Manolia Pambansang Manok para ipreserba ang 105-93 win at 2-0 lead sa PBA Philippine Cup Finals sa Don Honorio Ventura State University Gym Biyernes ng gabi.

Ikinalat ni Mikey Williams sa opening period ang 11 sa kanyang 28 points na sinahugan ng 9 rebounds at 6 assists para sa Tropang Giga. May 16 points off the bench si Jayson Castro at 12 kay Troy Rosario.

Matapos maiwan 57-36 sa bukana ng third, sinubukang ibalik ni Ian Sangalang ang Magnolia at nailapit sa 90-86 kulang 8 minutes pa, pero ibinaon ni Williams ang pang-apat sa kanyang limang tres para sindihan ang 14-3 run ng TNT.

Pinagpag ni Sangalang ang nananakit na likod noong opener para magsumite ng 25 points – 12 sa third. Nagdagdag ng 12 si Paul Lee.

Sa first quarter, dinuplika ng 40 ng TNT ang most points sa opening period sa PBA Finals na ginawa rin ng team noong 2011 Governors Cup kontra Petron.

Finals record na rin ang 13 3-pointers made ng Tropa sa first half, binura ang 11 na dalawang beses nilista sa first 24 minutes ng San Miguel Beer sa Game 2 ng 2019 Commissioner’s kontra TNT at Game 4 ng 2017 Philippine Cup vs. Ginebra.

Tumapos ng 17 3-pointers ang Tropa, kapos ng isa sa Finals record ng SMB kontra TNT sa Game 2 ng 2019 midseason conference.

Game 3 bukas sa Bacolor, Pampanga venue din.

Ang iskor:

TNT 105 – M. Williams 28, Castro 16, Rosario 12, Heruela 11, Reyes 10, Pogoy 9, Erram 6, Montalbo 5, Khobuntin 5, K. Williams 3, Exciminiano 0.

Magnolia 93 – Sangalang 25, Lee 12, Abueva 11, Barroca 11, Donisio 9, Ahanmisi 6, Dela Rosa 6, Jalalon 4, Corpuz 4, Reavis 4. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.