Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Williams, Tropa buwelta sa Game 4

0 83

Finals Game 4 ngayon: (DHVSU, Bacolor)
6 pm – TNT vs Magnolia
(Tropang Giga lead series 2-1)

Ipinagpag na ni Chot Reyes ang Game 3 loss ng TNT sa Magnolia noong Linggo.

Talo ang Tropang Giga 106-98 pero abante pa rin sa best-of-seven series ng PBA Philippine Cup Finals.

Ang mahalaga ay kung paano makabawi sa Game 4 ngayong araw sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga.

“We lost,” simpleng suma ng TNT coach. “On to the next.”

Sa unang pagkakataon sa serye, naiwan ang Tropa 26-20 pagkatapos ng first at 52-46 sa halftime.

Sa likod ng 18 points ni rookie Mikey Williams sa third, nanatili sa laro ang TNT bagama’t naiwan hanggang 75-61 sa period.

Nang ibaon ng No. 4 pick ang Finals record 10th 3-pointer ng laro, nanindak ang Tropa 98-95 may 72 seconds pa sa orasan,

Kaya lang, sumagot agad ng pamatay-sunog na floater si Mark Barroca sa kabila bago pinalitadahan ng anim na free throws nina Rome dela Rosa at Ian Sangalang ang panalo.

Tumapos si Williams ng 39 points – record na rin ng isang freshman sa championship round sapul nang magtistis si Erik Menk ng 42 para sa Tanduay kontra Shell noong 1999 All-Filipino sa Ormoc.

Sina RR Pogoy (14 points) at Poy Erram (10) na lang ang naka-double digits sa TNT. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.