Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Williams, Tropa pinapak Magnolia

0 51

Nambarako ng 13 points at 15 rebounds si Kelly Williams at itinumba ng TNT ang Magnolia Pambansang Manok 83-76 sa second game sa Don Honorio Ventura State U sa Bacolor, Pampanga Linggo ng gabi.

Unbeaten sa anim na laro ang Tropang Giga, kumapit sa tuktok ng PBA Philippine Cup elims.

Nanguna ang 17 ni Jayson Castro sa balanseng scoring ng TNT. May 14 points at 5 assists si Mikey Williams, 12 markers kay RR Pogoy at 11 points, 8 rebounds si Troy Rosario. Umayuda si Poy Erram ng 9 markers at 10 boards.

“We’re a work in progress,” pakli ni coach Chot Reyes. “It’s too early in the season, we’ll still find ways to get better.”

Perpektong 3 for 3 sa labas ng arc si Kelly, may 2 steals at 3 blocks pa.

Kinamada ni Calvin Abueva sa second half ang 17 sa kanyang game-high 23 points, pero hindi napigil ang Hotshots na dumausdos sa 5-2. May 11 points si Paul Lee sa first half pero 2 points na lang ang naidagdag.

Sa first game, inekisan ng Terrafirma Dyip ang pangatlong sunod na panalo nang sagasaan ang Blackwater 96-84.

Off the bench si Juami Tiongson na tumapos ng 10 points, step up si Aldrech Ramos ng 17 points, sinegundahan ni Reden Celda ng 15 points at may 12 markers, 11 rebounds si Andreas Cahilig. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.