Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Williams, Tropa pinundi Meralco

0 66

Mga laro ngayon (DHVSU-Bacolor)

2 pm – Phoenix vs. NLEX

4:35 pm – Alaska vs. SMB

Dumistansiya ng 30 points ang TNT bago sinalag ang late rally ng Meralco at itinakbo ng Tropang Giga ang 91-76 panalo sa tampok na laro sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor Biyernes ng gabi.

“We talked at halftime about our objective to win the second half. We failed in that target, fortunately we had a big lead,” ani coach Chot Reyes sa lamang na lumobo hanggang 56-26 sa bukana ng third.

Inekisan ng TNT ang panlimang sunod na panalo at No. 1 sa standings ng PBA Philippine Cup elims.

Sumiklab ng 27 points mula 5 for 10 shooting sa 3s si rookie Mikey Williams, may 20 si RR Pogoy at 14 kay Jayson Castro sa Tropa.

Naputol ang three-game run ng Bolts (5-2), pinamunuan ng 16 points ni Nards Pinto.

Pinangatawanan ng Terrafirma ang pagiging giant slayer nang sagasaan ang defending champion Ginebra 95-90 dalawang araw matapos itumba ang SMB 110-104 sa overtime.

Sa ikalawang sunod na laro, bumuga ng career-high si Juami Tiongson. Kumana ng 28 kontra Beer, laban sa Gins at nag-deliver si ‘Magic’ Tiongson ng 31 points tampok ang career-best 9 3-pointers para Dyip (2-4).

Laglag ang Gins sa 2-3.

Bago ang panalo, 0-16 ang Terrafirma sa Ginebra. At sa 94 games mula 2017, pumasada ng back-to-back wins ang Dyip. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.