Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Williamson balik sabak sa Pelicans

0 58

Inabot ng right foot injury si New Orleans star Zion Williamson habang nag-wo-workout nitong offseason.

Naoperahan na ang 21-year-old forward, ayon Martes kay Pelicans general manager David Griffin.

Wala nang walking boot si Williamson nang dumating sa media day ng team, inaasahang makakapaglaro na siya sa umpisa ng regular season.

Babalatan ng Pelicans ang 2021-22 campaign laban sa Philadelphia 76ers sa Oct. 21 (araw sa Manila).

No. 1 pick noong 2019 ang North Carolina native, pero ginugol ang bulto ng kanyang rookie season sa sidelines habang nagpapagaling mula knee injury.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Nitong 2020-21, naka-61 games siya pero natapos din ang season na naka-garahe dahil sa fractured left ring finger.

Ayon kay Griffin, ‘wear-and-tear’ na rin ang injury dahil madalas nahahambalos sa kamay ang 6-foot-7, 284-pound na si Williamson.

“I believe he probably suffered the injury over a period of time,” anang executive. “It’s a striking injury. It’s a blunt-force injury.”

Nag-average si Williamson ng 27.0 points at 7.2 rebounds per game nitong nakaraang season. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.