Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Williamson iraratsada Pelicans sa playoffs

0 64

Nagsawa na si Zion Williamson sa dalawang sunod na pagkadiskaril sa playoffs.

“It was a sickening feeling,” anang 75th NBA 2020-21 All-Star forward via Joel Meyers at Antonio Daniels sa SiriusXM Radio Lunes. “We weren’t in the playoffs – and I’m watching the playoffs – I’m like, man, we can be there.”

Sa kanyang rookie year noong 2019-20, kahit nagkaroon ng play-in sa Orlando bubbleay hindi umabot sa playoffs si Williamson at New Orleans.

Nitong nagdaang taon, napagsarhang tuluyan ang Pelicans.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

“Man, something just took over me and I was like, yeah, it’s not happening again. It’s not happening no more,” dagdag ng top pick noong 2019.

Hindi na aniya papapigil ang Pelicans, kahit tumawid na sa Chicago si Lonzo Ball.

Makakasama muli ni Williamson sina Brandon Ingram, Jonas Valanciunas, Willy Hernangomez.

Determinado si Zion, ‘wag lang siyang muling igugupo ng injury ay desididong bitbitin ang team hanggang postseason. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.