Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Williamson, Pelicans pinupog ang Celtics

0 61

Pinangunahan nina Brandon Ingram at Zion Williamson ang fightback ng New Orleans mula 24-point down para kalusin sa overtime ang Boston 120-115 sa 2020-21 NBA regular season game sa Smoothie King Center sa Louisiana Linggo ng gabi.

Nagbaon ng go-ahead 3 si Ingram 33 seconds na lang sa extra period na kinapitan ng Pelicans sa panalo.

Tumapos si Ingram ng 33 points.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Katiting na apat na puntos lang ang kinaya ni Williamson sa first half, pero pagbalik mula sa break ay humarabas ng 24 para ibalik sa laro ang team nang maiwan ng 24 sa third. May palamuti pa siyang 10 rebounds, 4 assists at isang block.

“This one definitely hurts. It’s tough. Just a tough loss,” bulalas ni Jayson Tatum na may 32 points at 9 rebounds para sa Celtics.

Humugot ang Boston ng 25 points kay Jaylen Brown. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.