Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Williamson, Pelicans pinupog Warriors

0 422

Pitong 3-pointers ang tinuhog ni Lonzo Ball at binawian ng New Orleans ang Golden State 108-103 sa 75th NBA regular season game sa Smoothie King Center sa Louisiana Martes ng gabi.

Tumapos si Ball ng 33 points huli ang step-back jumper 25 seconds na lang na sinundan ng apat na free throws sa final 15 seconds para selyuhan ang panalo.

May 20 seconds pa sa laro, nasipat ni Stephen Curry ang basket pero sumablay ang pang-agaw lead sanang jumper.

Nag-deliver si Williamson ng 23 points, 12 rebounds at 7 assists sa malaking tulong kay Ball.

Walong 3s naman ang pinakawalan ni Curry tungo sa 37 points, may 9 rebounds pa sa pagkapit ng Warriors (33-33) sa No. 8 sa West.

Krusyal ang panalo ng New Orleans (30-36) dahil lumakas ang tsansa sa play-in ng Nos. 7-10. Nasa 11th sa West ang Pelicans sa likod ng San Antonio (31-33). (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.