Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Willie bet maging senador ni Digong

0 98

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagka-senador ang tv host na si Willie Revillame sa idaraos na eleksyon sa 2022.

“Willie, si mayor `to. Kumusta ka? Matagal na tayong `di nagkita pero palagi kitang naaalala dahil gusto ko sanang maging senador ka,” sabi ng Pangulo sa isang video message na inilabas sa Facebook page ng GMA News nitong Linggo.

Bilib umano ang Pangulo sa abilidad ni Revillame na madaling makakonek sa mga tao.

“Sabi ni [Sen] Bong [Go], medyo nagdadalawang-isip ka. Pero ganun pa man, open ang slot mo until the last minute kung ayaw mo na talaga. Puwede na tayong mag-usap uli,” sabi ni Pangulong Duterte.

“Sana, in the meantime, more success sa programa mo at sa mga tao. Bilib ako sa appeal mo sa masa. Mabuhay ka,” dagdag pa ng Pangulo. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.