Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Willie bilib sa tapang ni John Lloyd

0 1,581

Isang heart-to-heart talk ang naganap sa pagitan nina John Lloyd Cruz at Willie Revillame nang bumisita kamakailan ang una sa resort ng huli sa Puerto Galera.

Matatandaan ngang few days ago ay nag-viral ang larawan ng pagbisita ni Lloydie sa beach resort ni Willie kasama si direk Edgar Mortiz na na siyang nag-post ng larawan nila sa Instagram. Makikita rin sa Facebook page ni Lloydie na kasama rin sina Malou Santos at direk Cathy Garcia-Molina.

Sa kanyang Wowowin show ay pahapyaw na ikinuwento ni Willie ang naging pag-uusap nila ni Lloydie kung saan ay tinanong daw niya ang aktor kung bakit ito tumigil sa showbiz.

“Gusto ko lang batiin ‘yung kaibigan nating si John Lloyd. Kagabi kasama ko siya, nasa Puerto Galera kami.

“Nagkuwentuhan kami sa buhay. Tinanong ko siya, ‘Bakit ka ba huminto?’ Maganda ‘yung mga rason niya eh,” kuwento ni Willie.

Ang sabi raw ni Lloydie sa kanya, “burnout ka na. Ito na lang po ginagawa ko araw-araw. ‘Pag gising ko, shooting. ‘Pag tulog ko, ‘pag gising ko, shooting.”

Humanga si Willie kay Lloydie dahil matapang itong hinarap kung ano ang gusto nitong gawin.

“’Yun bang binigyan niya ng halaga ‘yung sarili niya. Dapat ganyan din tayo eh,” sey niya.

Dahil sa pagkikitang ito nina direk Bobot, Willie , Malou Santos , direk Cathy Garcia-Molina. and Lloydie, some are thinking na baka may proyektong niluluto ang mga ito. Matatandaang kamakailan ay inanunsyo ni Maja Salvador ang pagbabalik ng aktor under her new talent agency, Crown Artist Management.

Laura nilihim ang pag-aasawa

Sa kanyang IG page kahapon, ini-reveal ng beauty queen-turned- actress na si Laura Lehmann na nagtanan siya at ngayon ay kasal na sa basketball player na si Von Pessumal.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Ibinahagi ni 2017 Miss World-Philippines ang mga wedding photos nila ni Von at ang bungad niya sa caption ay “eloped.”

She revealed na tahimik silang ikinasal earlier this year.

“Quietly got married earlier this year. ❤️ And now, I want to spend the rest of my life making you as happy as you make me 🙂 I love you so much @von19,” pahayag ni Laura

Dagdag pa niya, ang naturang kasal ay best day of her life at anumang oras ay papayag daw siyang magtanan sila ulit.

“This was the best day of my life & I will elope with you any time, any place… even in a small room behind city hall 🙈💕 I’m so, so happy to be your wife. 💙

“P.S. thanks for making me ligaw while I reported on your games,” sabi ni Laura.

Halos kasabay rin nito ay nag-post si Von sa kanyang IG ng parehong larawan at ang simula naman ng kanyang caption ay “married my best friend.”

Patuloy niya, “some time ago, my now wife @iamlauralehmann and I quietly got married. We decided to keep it to our selves for a while. The thing is, when you are with someone who shares the same Vision and Passion for success as yourself, matters such as Marriage simply become more of a legality than a drastic lifestyle change.”

Para sa kanyang mensahe kay Lara, ani Von, “having you in my life is has been nothing short of perfection. It’s honestly like playing with a great point guard; if I do my job well I know my team will win. I will love you everyday and always.”

Laura and Von have been in a relationship since 2014. They got engaged in 2020.

Leave A Reply

Your email address will not be published.