Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Willie binasbasan ni Duterte sa pagtakbo

0 231

Umingay na naman ang balitang papasok sa politika si Willie Revillame nang magkausap sila ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tila binasbasan din siya ni Digong kung ano man ang plano niya.

Sa pamamagitan ni Senator Bong Go ay nagkausap sa telepono sina Willie at Duterte. Nu’ng una hindi alam ng generous na tv host kung ano ang kanyang sasabihin.

“Good evening, Mr. President” lang ang lumabas sa bibig niya.

“Willie, maraming salamat sa pagtulong mo sa mga kababayan natin. Pinanonood kita. Alam ko ang mga ginagawa mong pag-ayuda sa mga nangangailangan, ” pahayag ng pangulo sa kabilang linya.

Pagkatapos ay nagkausap ulit sina Digong at

Senador Bong Go. May iniwan ding mensahe ang presidente para kay Willie. “Leave your options open daw, sabi ni pangulo.”

Actually, inimbita si Willie na mag-dinner nina Senador Bong Go at Executive Secretary Salvador Medialdea. Pinagbigyan naman niya ito.

Sa kalagitnaan ng kuwentuhan ay tinanong siya ng butihing senador, “Ano ba ang mga plano mo?”

Ang pakli ni Revillame ay ipagpatuloy lang ang pagtulong sa mga kababayan sa kanyang show na ‘Wowowin-Tutok To Win.’

Hirit ni Senador Bong Go, “Wala ka bang planong mas palawakin ang ginagawa mong pagtulong?”

Sumagot naman si Willie na wala sa isip niya ang ganoon.

Pero sa pag-uwi ng tv host ay tumatak sa isip niya ang sinabi ni PRRD na “Leave your options open daw, sabi ni pangulo.”

Senyales na ba ito na balak isama si Revillame sa partido ni Duterte?

Ano kaya ang magiging final decision ni Willie tungkol dito?

Kandidata ng Miss Grand International positibo sa virus

Nasa Bangkok, Thailand na ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Grand International na si Samantha Bernardo. Ready na siya na makipagpukpukan para masungkit ang titulo sa coronation night sa March 27, 2021.

Pero ilan sa mga kandidata na makakalaban niya ay nagpositibo sa COVID-19 .

Narito ang post sa Facebook page ng Miss Grand International

“Official annoucement.

“During State’s Quarantine with regular routine COVID-19 swab test there was two candidates test result turn positive which are Nigeria and Kenya. The Miss Grand International has follow the standard regulated guideline recommended by government together with doctor advice by moving both candidates to Piyavej Hospital for further treatment. The hotel applied their standard ASQ policy by sanitized all related area including their accomodation room. The rest of the candidates test negative and clear from COVID-19.

“Miss Grand International Organization”

Sa ngayon pinag-iingat ang ibang kandidata.

Leave A Reply

Your email address will not be published.