Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Willie binawalang mag-ingles si Hipon Girl

0 54

Sa kanyang vlog, ipinakita ni Herlene Budol aka Hipon Girl ang kanyang pagbisita kay Willie Revillame.

Si Kuya Wil ang nagbigay sa kanya ng tsansang makilala bilang TV host.

Humingi ng payo si Herlene kay Revillame kung paano mag-shine sa Bb.Pilipinas.

Ayon kay Willie, dapat daw ay maging totoo lang daw ito sa sarili niya.

Advice rin niya, huwag na raw itong mag-ingles sa Q&A sa halip ay Tagalog na lang daw ang isagot nito kapag tatanungin.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hirit pa ni Willie, puwede rin daw itong kumuha ng interpreter para maitawid niya ang kanyang mensahe sa kanyang sasabihin.

Hirit pa ni Willie, dapat daw ay galing sa puso at sa utak ang honest na sagot nito.

Dagdag na payo pa niya, manood daw ito ng mga video nina Pia Wurtzbach at Catriona Gray para matutunan nito kung gaano ka-confident at ka-cool ang mga itong sumagot.

Si Herlene ang isa sa 40 aspirants sa Bb.Pilipinas 2022.

Leave A Reply

Your email address will not be published.