Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Willie tinalakan caller sa P30K utang

0 97

Idinaan na lang ni Willie Revillame sa tawa at pagbibiro ang caller sa Wowowin na sa halip na magpasalamat ay humirit pa ng pera dahil hindi raw sapat ang napanalunan niya.

Mula sa Caloocan ang female caller na tuwang-tuwa nang siya ang mapili. Hindi pa man naibibigay ang premyo ay sinabi na niya agad na kailangan niya ng pera dahil marami siyang anak at utang.

Binigyan muna siya ng dalawang jacket at isang tablet. Nang sabihin ni Willie na “meron kang 20 thousand,” sey ng caller, “20 thousand po?”

Natawa si Willie. “Parang kulang pa,” aniya.

Humirit ang caller na kung pwede raw dagdagan dahil kailangan niya ng pera. May kasamahan siyang nagsabi ng “trenta” at sabi naman ni Willie, “anon’g trenta? Walang trenta rito!”

Inulit ni Willie ang napanalunan ng caller at tanong niya, “ok na sa ‘yo?”

Diretsong sagot ng caller, “kulang pa sir, ang dami ko pong utang!”

Tinanong naman ni Willie kung magkano ang utang nito at sagot ng caller ay nasa P30,000.00

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Pabirong pinangaralan ni Willie ang babae na “nangungutang-ngutang ka, ako pagbabayarin mo!”

Pero sa huli ay naawa rin ang TV host at dinagdagan ang napalunan ng caller at ginawang P25,000.00.

Direk Darryl pumalag sa MTRCB

Hindi pabor si direk Darryl Yap na sakupin na rin ng MTRCB (Movie and Television Review Classification Board) ang mga content na ipinapalalabas sa digital platforms tulad na nga lang ng Vivamax

“Sa palagay ko, dagdagan muna nila ng letter ‘yung MTRCB ng “D” para may digital na. Kasi kung MTRCB, wala namang digital doon. So, kapag nadagdagan na nila ng “D” baka pupuwede po.

“Pero sa ngayon, kung movie and television pa lang, I don’t think kahit may TV casting ang Vivamax, it’s included in the scope of MTRCB,” pahayag ni direk Darryl sa mediacon ng 69+1.

Well, matagal na talagang pinagdedebatehan kung dapat ba o hinding i-regulate ng MTRCB ang mga content ng mga video-on-demand platforms gaya ng Netflix, Iflix, iWantTFC, Vivamax, etcetera.

Pero up to now ay hanggang discussion pa lang naman at wala pang konkretong napagkakasunduan tungkol dito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.