Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Willie iniwan ni Ara

0 163

Once and for all ay nilinaw ni Willie Revillame kung bakit nawala si Miss Universe 2013 Third Runner-up Ariella Arida sa Wowowin may tatlong taon na ang nakararaan.

May ispekulasyon kasi noon na nagkaroon ng samaan ng loob ang dalawa bukod pa nga sa at that time ay nali-link din sila.

Sa recent episode ng Wowowin ay guest co-host si Ara na first appearance niya sa show matapos ang ang kanyang pag-alis noong 2017.

Tinanong ni direk Bobot Mortiz (na creative director ng Wowowin ngayon) si Ariella kung bakit siya biglang nawala noon sa show.

Si Willie ang sumagot. Aniya, “gusto kong tampalin ‘yan, eh.” Tawanan.

At dito na nga nilinaw ni Willie kung bakit nga biglang nawala sa show si Ariella.

“Para malaman ng tao, baka akala ng tao, lagi kong tinatanggal ang mga co-host, hindi ho, sila nawawala,” sey ng TV host.

Ikinuwento ni Willie na may sakit siya that time at si Ariella sana muna ang papalit sa kanya bilang host. Pero bigla raw itong nagpaalam sa kanya.

“Pumasok sa kuwarto ko, ‘Wil, naka-book na ako, aalis na ako sa Friday.’ ‘Saan ka pupunta?’ ‘Las Vegas, kasi Miss Universe, hindi ako makatanggi,’” pagkukuwento ni Willie sa naging pag-uusap nila noon ni Ariella.

“May sakit ako, dapat siya magko-co host muna. Iniwan ako. O di ba? So, para malaman n’yo. ‘Yun ho ang totoo niyan,” sabi pa ni Willie.

Pero pinuri naman niya si Ariella na mabait daw naman ang beauty queen at hindi nakakalimot sa kanya kahit wala na ito sa show.

“Pag New Year, pinupuntahan pa niya ako sa Tagaytay, nireregaluhan ako. ‘Etong last Christmas, may regalo na naman siya sa akin. Hindi nakakalimot ‘yang si Ariella,” tsika pa ni Willie.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nilinaw rin ng TV host na hindi raw siya nagtatanggal ng tao ng walang rason.

“Tandaan n’yo ha, ang patakaran ko lang dito sa programang ito, be professional. Pag 1 minute late, umuuwi talaga sa akin ‘yan. Bakit? Eh ‘yung mga janitor, galing ng Batangas, eh, galing ng malayong lugar, eh. Magkano lang sweldo niya, P550 lang. Pero on time.

“Eh kayo magkakano, daan-daang libo mga sinusweldo n’yo!” sey niya sa mga co-hosts.

Payo ni Kuya Wil sa kanyang mga tao, “kung mahal n’yo ang pamilya n’yo, mahalin n’yo rin ang programang ito kasi ang programang ito ang magbibigay ng magandang buhay sa pamilya n’yo.”

@@@

Joed magtatayo ng resto kay Nora

Bukod sa ipagpo-produce ni Joed Serrano si Nora Aunor ng pelikula titled Kontrabida, binabalak din pala niyang magtayo ng isang restaurant in honor of our one and only Superstar.

“I’m planning to have a restaurant for ate Guy, ang pangalan ng restaurant, “Superstar.” Lahat ng memorabilia niya, awards, lahat, parang Hard Rock Café, na ‘yung mga memorabilia, ilalagay ko ru’n sa restaurant na ‘yun,” proud na tsika ni Joed sa recent presscon ng newbie actor na si Mhack Morales, isa rin sa cast ng pino-produce niyang film na “Anak ng Macho Dancer.”

Aminado si Joed na Noranian siya at pinanood ang lahat ng pelikula ng Superstar.

Nabalitaan daw niya kasing sa rami ng awards ni ate Guy ay hindi na raw alam kung saan ilalagay ang mga ito.

“So, naisip ko, eh di magtayo ng restaurant, gawing pangalan ng resto, Superstar. Ang plano ko, dalawa kaming may-ari. For example, ‘yung branch sa Quezon City ako, ‘yung branch sa Makati, siya.”

Ngayon pa nga lang ay nai-excite na si Joed dahil wala pa raw nakakaisip nito at alam niyang matutuwa rin ang mga Noranian sa plano niyang ito .At least ay may dadayuhin na ang mga fan kung gustong makita ang memorabilia ng Superstar.

Leave A Reply

Your email address will not be published.