Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Willie iniyakan ang studio

0 357

Ni:VINIA VIVAR

Hindi napigilan ni Willie Revillame ang mapaluha at maging emosyonal nang bisitahin niya kamakailan ang dati nilang studio sa GMA Network compound. Kuwento niya sa nakaraang episode ng Wowowin, nakaka-miss ang saya na nabibigay ng live audience.

“‘Pag pasok ko doon medyo maluha-luha ako. Alam niyo bakit? Kasi pagpasok ko, bakante, bakante ‘yung studio. Tahimik. ‘Yung mga ilaw walang kinang… ‘yung LED walang ilaw. ‘Yung mga speaker, walang tunog. ‘Yung mikropono ko, wala doon, lahat,” ani Willie.

“Nami-miss ko na kayong lahat. Nami-miss na namin ‘yung sumisigaw ‘pag naka-‘handa na ba kayo?’ Nami-miss naming lahat ‘yan. Pero ganun pa man ho, kahit na wala kaming kasama sa studio, tuluy-tuloy pa rin po ang programang Wowowin para sa inyong lahat,” patuloy ng TV host.

Kasunod nito ay inanunsyo na ni Willie ang matagal nang inaabangan ng kanyang mga fans at regular viewers ng Wowowin. Na simula ngayong Nobyembre ay magbabalik na sila sa original studio. Tuwing Biyernes ay magkakaroon na sila ng live show at ibabalik na rin ni Kuya Wil ang segment na ‘Insta Jam.’ (Vinia Vivar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.