Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Willie kinastigo si Tekla

0 183

Nag-react ang Wowowinn host na si Willie Revillame nang banggitin ni Donita Nose na kinukumusta siya ni Super Tekla.

Deretsahang sinabi ni Willie na naaalala lang siya ng mga ito kapag may kailangan at may mga problema.

“Ewan ko sa inyo, pag may problema kayo naaalala niyo ko. Pagkatapos, dumaan ang Pasko ano? lahat ano?,” hirit ni Willie.

Sa tono ng pananalita ni Willie, lumalabas na tila malaki pa rin ang tampo niya sa kontrobersyal na komedyante.

Depensa naman ni Donita, binati niya si Willie noong nakaraang Pasko at hindi totoong nakalimutan niya ito.

Matatandaang unang nakikilala ang tambalan ni Donita at Super Tekla sa programa ni Willie.

Gayunpaman, dumating sa puntong tinanggal si Tekla sa nasabing show.

Muli siyang nakabalik sa programa nang magkaroon siya ng matinding problema dahil naging kritikal ang lagay ng anak niyang si Baby Angelo na anak niya sa kanyang dating live-in partner na si Michelle Banaag.

Sa kasalukuyan, lumago na ang YouTube channel ng DonEkla at unti-unting nakakapagpundar ng ari-arian ang dalawa.

Mayroon na silang sari-sariling bahay dahil na rin sa patuloy na pagsuporta ng mga netizen sa kanilang YouTube Channel.

Ai Ai kinakarir na mabuntis

Ayaw pa ring sumuko ni Ai Ai delas Alas sa ideya na balang araw ay mabibiyayaan sila ng anak ng asawang si Gerald Sibayan.

Katunayan, naniniwala siyang perfect ang Year of the Metal Ox para sa pagbubuntis.

Kaya naman, bukod sa pagdarasal, ginagawa niya ang lahat para matuloy ang pagdadalang-tao.

Bilang paghahanda, panay rin ang pag-eehersisyo niya.

Sabay pa nga silang nagwo-work out ni Gerald sa gym.

Aniya, kinakarir daw niya ang pagpapa-kundisyon ng katawan para lumakas ang kanyang immune system.

Kailangan daw niya ang sapat na lakas para makarga man lang daw niya ang kanilang magiging anak.

“Nagkaka-muscle na nga ako.”

Pero kailangan daw ni Ai Ai na hingin ang payo ng kanyang doktor kahit sa 2022 pa ang balak niyang magkaanak.

“Kung nganga, bahala na si Lord.”

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na kahit sa siyentipikong pamamaraan ay handang sumailalim si Ai Ai magkaanak lang kahit sa edad niya ngayong 56.

Sa ngayon, tatlo ang anak niya: si Sancho Vito sa una niyang karelasyong taga-teatro, at sina Nicolo at Sophia.

Leave A Reply

Your email address will not be published.