Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Willie lugi ng P140M sa Wowowin

0 2,434

VINIA VIVARNgayong araw na ito (May 10) ang 6th anniversary ng Wowowin ni Willie Revillame sa GMA-7. Kaya naman sa latest episode ay inalala ng TV host kung paano siya nagsimula sa nasabing game show.

Pagbabalik-tanaw ni Willie, noong una raw ay siya ang producer ng Wowowin at block timer siya sa GMA-7.

“Nagsimula ako rito, May 10, ako ho ang nagpo-produce non, ako. Pera ko ‘yun, every Sunday, 3:30-4:30 (pm). Dumating ang time na after mga ilang linggo, sabi ko, stop ko na, dahil wala kasi akong marketing, eh. Walang nagbebenta ng programa.

“So, nalulugi. Umabot na sa point na 140 million po ‘yung nagastos ko na walang bumabalik,” kwento ni Willie.

“Kasi nagbabayad ho ako ng blocktime, eh, more than 2 million (sa) 1 hour. Isipin n’yo sa 2 million, 2.2 yata, sa isang buwan ho, eh 8.8 million ‘yun. Wala ka pang ilaw. Kala n’yo, ganu’n kadali mag-produce. Wala ka pang bayad sa artist, wala ka pang bayad sa staff, sa gwardya, lahat.

“So, gumagastos ho ng 14 to 15 million a month ang programang Wowowin,” sey niya.

Nagpaalam na raw siya sa mga GMA-7 bosses that time. Nag-empake na raw siya’t sa Tagaytay na maninirahan sana.

“Nagpaalam na ako, and then, paalis na po ako, nag-eempake na ako, pupunta akong Tagaytay, doon na ako titira, mag-quit na ako sa showbiz,” aniya.

Pero bigla raw siyang tinawagan ni Joey Abacan na isa sa executives ng GMA-7 at tinanong kung pwede silang magkita. Nag-meeting daw sila along with other execs.

In-offer-an daw siya ng 50% na lang ang ibayad niya pero talagang desidido na raw siya na itigil dahil talagang lubhang mabigat na para sa kanya.

“Sabi ko, ‘out na ako, Joey, medyo mabigat na, more than 100 million na ang nagagastos ko na cash,’” tsika ni Willie.

Hanggang sa inalok daw siya na ang GMA-7 na ang magpo-produce ng show at pumayag na raw siya.

“Kinukuwento ko ho ito para malaman n’yo ‘yung totoong istorya ng Wowowin dito sa GMA-7, ‘yuung pagpasok ko po dito.

“So, after nu’n, nagkaroon po ng Sunday Pinasaya, back to back ng Wowowin,” lahad pa ni Willie.

At dahil maganda ang ratings ay kinausap daw siya ulit ng management at tinanong kung gusto na niyang mag-daily.

“Sabi ko, ‘maganda ‘yan’ kasi, ang GMA, marketing at sales na po, sila na po kung baga, ang bahala sa commercials na napakalaking bagay na po sa akin kasi ho, natutulungan na ako, sobrang laking tulong.”

At nag-daily na nga raw sila ng 5-6pm. ‘Di katagalan ay ginawa na raw 1 ½ oras ang Wowowin, Monday to Friday.

Kaya naman masayang-masaya si Willie na hanggang ngayon ay patuloy pa ring namamayagpag ang show at aniya, ito ay dahil sa mga viewers na tumatangkilik at nagpapa-rate ng show.

“And then, ‘eto na po tayo. Sino ho ba ang mag-iisip na itong pandemya eh, magla-live pa kami?” aniya.

Nagpasalamat si Willie sa buong GMA-7 sa tiwala raw na ibinibigay sa kanya.

Alma tinalbugan si Winwyn

Pinatunayan ni Alma Moreno na wala pa rin siyang kupas pagdating sa pagsasayaw sa video na ipinost kahapon ng anak na si Winwyn Marquez sa Instgram and TikTok accounts nito.

Sa video ay makikitang sabay na nagsasayaw sina Ness and Winwyn at kahit nasa bandang likuran si Alma, inagaw niya pa rin ang stage at kinabog ang anak sa kanyang graceful dance moves.

Mukhang tanggap naman ni Winwyn na mas magaling sa kanya ang ina at pati nga siya ay talagang napa-wow din.

“MOM turned upside down is WOW.. wow loveliness haha 😅 Happy Mother’s day mama! Love you ♡ happy mother’s day to all super MOM,” ang caption ni Winwyn.

Pati ang mga netizens ay puring-puri rin si LoveliNess at karamihan ng comments ay nagsasaad na wala pa rin siya talagang kupas.

Well, sa mga hindi nakakaalam, isa si Ness sa reyna ng dance floor back in her heydays at ipinamalas niya ito sa kanyang show na LoveliNess.

Leave A Reply

Your email address will not be published.